Tagalog

Maligayang pagbati! Ito ang bagong website ng New Democrat Official Opposition.

Ang New Democrats ay masusing nagmamatyag sa pamumuno ng BC Liberal habang patuloy na naghahanap ng mga solusyon sa ikabubuti ng buhay ng mga taga-British Columbia.

Tunay na pagbabago ang inihahain ng New Democrats sa pamamagitan ng makatao, makatarungan at makabuluhang solusyon sa mga hamong pang-ekonomiya, panglipunan at pangkalikasan.

Ang caucus ng New Democrats ay may 34 na miyembro, na kumakatawan sa bawat rehiyon ng lalawigan ng British Columbia – Vancouver Island, Kootenay, Interior, parteng Hilaga at Metro Vancouver.

Sa website na ito ninyo mababasa ang maraming impormasyon tungkol sa inyong mga MLAs at mga tampok na paksang-talakayin na mahalaga sa bawat British Columbian.

Palagiang dalawin ang website upang patuloy na masubaybayan ang mga gawain ng New Democrat Official Opposition patungkol sa ikasisiya at ikauunlad ng kabuhayan ng bawat mamamayan ng British Columbia.

Salamat po.